CATCH ME IF YOU CAN… part two

..cont.

We reached Pasay Traffic Management Office. Okey naman. Attentive naman sila dun at magagalang. Nawala na din kahit papano yung duda ko.

So to cut the story short, pictures nalang magsasabi kung anung nangyare sa’min last Friday.

Sir, matagal na yan.. kanina lang. :)

Sir, matagal na yan.. kanina lang. 🙂

 
tanggal pintura ah...

tanggal pintura ah...

 

Tinanong sila ng inspector kung di nya kami nabangga, kelan daw ‘tong banggang ‘to?  

Sagot nila, “Matagal na ‘yan sir”.
Pero halata naman na bago lang, kse may bakas pa na dinaanan yung alikabok. hehe.. kulet eh.
anung-wag-akong-makialamkung-ako-ung-nagalusan-ng-ganyan
bakas ng dilaw na pintura

bakas ng dilaw na pintura

gasgasin-raw-ba  

Di raw nila binangga kami pero may bakas ng yellow paint yung sasakyan ng friend ko.  Lori could have just let the incident slide, actually kailangan lang naman niya yung police report for the insurance company. Kaso pinahirapan pa nila kaming humabol sa kanila. Imagine not less than 20minutes ata yung habulan namin (based sa 18mins call namin sa 117). 

Since di sila umaamin at nakikinig sa payo ng inspector na ayusin nalang namin ‘to, aminin nila. Mag-sorry. Mag-settle kung kailangan. Kaso ayaw talaga nila. Inabot na kami ng 11:30pm dun. So, tinuloy nalang ni Lori to press charges on them.  Hit and run.  

Hindi nga ganun kalaki yung damage sa sasakyan ni Lori, pero imagine kung di siya nakaiwas mas malaking disgrasya inabot namin. (lalo ako kse ako ung nasa kanan…huhuhu). Wag na natin ibilang dyan ung gasolinang nagastos sa car chase na yan. At yung risk na pinasok namin sa paghabol sa kanila.

Maabala nga ito para sa kanya, pero sabi nga ni Lori,  okey lang daw.  Kung  maabala man sila kundi man  manalo sa kaso, enough na yun para may matutunan sila sa pangyayari.

We even overheard them talk to each other na ‘Pera-pera lang daw ‘to (referring to the MMDA).  Kaya mayabang sila.

When the officer comes in, sinabi namin ‘yung sinabi nila. Di nila matatanggi yun. May iba pang taong nandun sa office eh.  Bahala na sila kung magpapa-lagay sila sa mga mokong na ‘yun.  

Good thing inde naman. Kse when the driver nga asked the officer na huwag na silang ticketan, ay tinekitan pa din sila.

driver-and-kunduktor-not-in-uniform1

Bata pa yung driver,  25 years old lang. Pati yung ‘kundoktor’ niya.  Kung malalampasan nila ‘tong ginawa nila ng ganun-ganun nalang. Malamang lalakas ang loob nilang ulitin yun. Madadagdagan na naman ang haragan sa kalsada.

Anyway, pasalamat nalang kami na walang nangyareng grabe sa amin.

O, picture muna bago umalis.  Then late dinner sa Blue Wave after.

When I reached home, Lori texted me something like sana daw di ako natrauma. 

My reply, ” Okey lang. I had fun naman. hahaha. ”

 

pasay-traffic-and-parking-management-office

BAWAL ANG FIXER

BAWAL ANG FIXER

dyan-ba-ang-tubusan-ng-lisensya

di-ka-naman-galet-nyan

 

 

Advertisements

CATCH ME IF YOU CAN…part one.

Last night, in not less than 20 minutes, I had experienced  one of  those fast but smooth, thrilling,  heart-pumping, most exciting ride of my life. 

And sorry, if it has to  include a lot of cussing and swearing, too.  I can’t help it. It surely helped me in the release department.  Big time.

 

After surviving two vehicular accidents with more than a decade interval, not to mention several  jeepney  hold-ups and ‘away kalye’ I witnessed,  I just realized — I HAVEN’T FULLY RECOVERED FROM THE TRAUMA, REALLY.

 

 

Kwento ‘to kung panu kaming nakipag-habulan sa bus na nang-hit and run sa amin mula CCP area hanggang pa-Baclaran pabalik ng Edsa. Hanggang mapatid na ata ang katinuan ko at nawalan na ng pagtitimpi kaya sineryoso ko na ang paborito kong biro sa mga taong maraming paliwanag —

‘SA PRESINTO KA NA MAGPALIWANAG’

 

We are supposed to see “SYMPHONY OF HOPE” a benefit concert for the Phil. Balanghay Association with  SIDE A band and the Philippine Philharmonic Orchestra  at  the CCP Main Theater.

 

I got the complimentary tickets from Odysseylive.net.  ( Sorry Miggy, I don’t have photos and a blog to share. Except this.  I hope you’ll still give us extra concert tickets next time when I win again. )

sayang-talaga

 

Blame it to the ‘HARING PASAWAY NG KALSADA’ —mga BUS na nagpapanggap ng Diyos sa mas maliit na sasakyan sa kanila.

 

body-8149

 

 

As the ticket indicates, we are like an hour late for the concert. Though we have good seats, we’re just hoping that it will not  start on time.  

 

So no worries.  It’s past 9pm, happy that we finally made it to CCP in an hour. I even exclaimed, ‘Yeheey, andito na tau sa CCP.’ while Lori, my grade school classmate and soon to be business partner, is taking her time letting all this ‘pasaways’ their left turn so we can go straight already and head to CCP.

 

Then I just heard a ‘tugudug..creechhh…’ and I literally bounced from my seat from the bump on my right. Good thing I am wearing my seatbelt. At first I didn’t realized what happened until I see the bus going past infront of us making their silly left turn without signal.  I didn’t see them earlier on my right. Bigla nalang siyang sumulpot at lumiko habang kami ( nasa kaliwa nila ) nakapormang-direcho na.

map_big

 

Then Lori stopped the car and yelled , ‘Yung bus, yung bus, kunin mo yung plate number, ung plate number’ pointing to the bus who bumped on us  while she’s making her way to get out of the Adventure and  ran to the other side to meet the bus driver to the lane where World Trade Center is. Then some jeepney drivers stopped and told us to follow the bus.

 

But the bus driver did not stopped. This made Lori really furious. I was like half-paralyzed, can’t think straight. Since I am not wearing my glasses, I can’t read the plate from a distance. I almost forgot that I have my digicam on my bag and that I could just take a few snapshots instead.

Parang sa ilang segundo bumalik sa memory ko yung accident ko nuon C5 intersection. Ayoko na yung ikwento muna ngayon. Pampahaba lang.

 

All I can say is —-ITS GOOD THAT YOU ALWAYS WEAR YOUR SEATBELT.

 

Para kong natauhan sa timbre ng boses ni Lori. Habang inaabot nya sa’ken ang celphone nya at dinidikta yung security number ng phone nya, naiintindihan ko na kelangan na tumawag sa 117 for help. When, finally, nahamig ko na ang sarili ko. Nararamdaman kong bumibilis ang takbo namin at mukhang desidido si Lori na habulin namin yung bus na yun. Kahit ata makarating pa kami ng Cavite.

 

So, kumapit nalang ang naging option ko. Habang sa kaliwa hawak ko ang celphone.  Habulan ‘to kung habulan.

 

hows-my-driving

balagbag

habulan-sa-roxas-blvd

 

Bago pa yun, kinunan na namin siya ng pictures. Halata namang tinatakasan nya kami eh. Nung mag-traffic bumaba si Lori para patigilin ulet yung bus. Dala ang digicam ko, kinunan nya ang plate number pati ang driver. Galet na galet siyempre si Gabriella Silang, este si Lori. J Akalain mo bang hindi talaga bumaba ang driver or kundoktor kahit kinakalampag na nya ang pintuan ng bus.

habulan

 

 

Sa totoo lang natatakot na din ako for Lori. Baka kse siraulo din yung driver, babain siya at hampasin nalang ng tubo. So I unstrapped my seatbelt and determined to get her back in the car. Pero sumigaw nalang muna ako na pumasok na siya at tatawag nalang kami ng pulis.

 

So habulan ulet. Byaheng Baclaran-Simbahan pala yung bus. This time naka-connect naman agad ako sa 117. Sinabi ko agad sa operator na nakasagot sa’ken na nasa Roxas Blvd. kami at hinahabol namin yung bus na bumangga at tumakbo sa amin na byaheng Baclaran. The operator told us na ititimbre daw sa Baclaran para pagdating dun may humarang na MMDA Traffic Enforcer. 

 

baclaran-simbahan

 

Yung kundoktor na nakita ni Lori matanda na.(sitting beside the driver)  Yung nambubully sa amin, at nagpakilalang siya ang kundoktor ay bata pa at naka-long sleeves polo.

nxt-6951

Mamaya bibiyahe na ulet yang bus na ‘yan ng Phil. Corinthian Liner. 

 

Parang alam din ng mga mokong na pwede silang abangan dun, kaya nag-cutting trip na sila, binaba na ang mga pasahero at lumiko na pabalik ng Ayala/Edsa.

 

At this point, sinabihan ko na si Lori na wag na buntutan tutal nakunan na namin ng photos at nakatimbre na sa 117 at Pasay Traffic Management kse baka pinapahabol lang kami sa ‘teritoryo’ o bus station nila at dun naman kami mapagtulung-tulungan ng mga ‘haragan’.

 

Mainit kse talaga si Gabriella. J Ako naman as much as possible gusto ko kalmado kse takot talaga ko sa mga away-kalye. So sinabi ko na sa operator kung nasaan kami. Bawat kilos ng bus sinasabi ko sa kanya. Pati pabalagbag nilang pagparada sa kalsada. Pagdating sa isang kanto ay nagsakay pa sila ng pasahero ulet. Na para bang wala lang nangyare. Lalo kaming nabadtrip.

 

 

Salamat talaga sa 117 kse di niya kami binibitawang ng tawag. Ang medyo nakaka-frustrate lang, sa haba ng habulan na naganap, wala man lang kaming nadaanang pulis o MMDA. We are worried na matakasan na din kami. Nakailang kunekta na din yung operator sa kung kaninong officer yun ewan ko.

 

 

Hanggang parang pati ako pinapanawan na din ng kakalmahan. Napapamura na ko habang naka-hold sa 117.

 

‘Wala na bang pulis na natitira sa kalye dito sa Pilipinas ng ganitong oras?’.

 

 

Tapos ewan kung totoong naka-hold ako, o baka nadinig ako ng operator. Direkta na nya daw akong kokonekta sa Pasay Traffic Management Office since nasa Roxas Blvd kami.

 

 

That time, we are approaching Trader’s Hotel and New World Hotel kung saan traffic. Dito kami nagka-gulo-gulo. Ewan kung sa sobrang taranta namin na baka matakasan na kaming tuluyan eh nalito na sila (at kami) kung kami ba ay pa-Edsa or pa-Ayala, di pa sila sigurado kung asan ang Trader’s at New World Hotel ha. Tsk. Tsk.

 

 

Sabi pa nun pulis sa linya…’Traders? Bawal ang mga bus dyan ah…’ Na parang duon na napatid ang pasensya ko. ‘Anung bawal? Andito lahat ng bus? Lahat ng klase. Lahat ng pangalan.’ (kandautal at bulol ako sa galet eh). Habang tinatanaw ko yung bus na papaliko na sa kung saan.

 

 

Ang gusto ko bang mangyare, mag-radyo nalang sila at sabihin sa MMDA na andun sa Trader’s na may kelangan silang harangin na bus. Kaso wala ngang MMDA dun noh! Wag na magsabi anung bawal, di din naman sinusunod palibhasa wala naman sila palage sa kalye. Hhhmp..

 

 

Hanggang umabot na kami sa LRT. Di ko alam kung anung station na yun. Pero nakita ko lang sa kaliwa ko NIRVANA. Ayun, finally traffic ulet. Since di naman ako bumitaw ng tawag sa 117, nasabi ko kung nasaan kami. Bago pa makalampas ulet ng intersection, nakita ko na parang pinara na yung bus ng naka-black na enforcer. Dun na ko nagpaalam sa operator ng 117. ( Take note, call registry indicates an 18 minutes call ). Ganun kalayo yung habulan namin ng mga mokong na ito. Ka-stress di ba? Para sa isang taong katulad ko na ayaw ng ‘intense’ driving.

 

 

So inunahan ko nang bumaba si Lori. Mainit na din yata ako sa kawalan ng MMDA or traffic enforcer sa kalye. Nung makita kong kinakausap na yung driver ng enforcer nagpakilala na ko na kami yung binangga at tinakbuhan nila. Sabay binasa sa apelido nya sa uniform nya. Baka pati kse siya ay tumakbo. (praning..hehe)

 

 

Maya-maya may bumabang lalaki sa bus (sabi ni Lori di daw yun kasama sa bus nun hinarap nya nun una. Pinick-up lang yun sa kung saan. Iba yung katabing ‘kundoktor’ ng driver).

 

 

Mataas ang boses at may yabang na nagsasalitang di daw kami nila binangga. Nun lumapit na ulet si Lori, may isa pang lalaki na bumaba. Asan daw ang bangga? May angas na tanong nila.

 

 

Na parang pinag-tig-isahan na kami. Dumadami na din yung tao sa paligid. Eksena na eh. Aba, teka nga. Hhhmmm…

 

Nun sabihin sa’ken nung isang epal na wag akong makialam habang dinuduro niya ko. Eto na ang kumpas ng kamay ko sa enforcer —-

 

‘Sir, tama na ‘to. Dun na tayo sa presinto mag-settle nito. Ayaw nyo aminin at ayusin dito ha. Halika na.(kay Lori)’

Sa galit ko naduro  ko din ang epal at pinarating ko sa mukha niya na di nya kami matatakot, ngayon pa ba kami matatakot eh nagkalat na sa paligid ang mga construction workers na parang tumigil muna sa pag-gawa ng kalye. Andyan pa ang ilang MMDA at enforcer na parang lahat dun nakatambak sa parte ng  LRT.

 

Subukan nyang pumorma ng masama ngayon. Wala na yung takot kong katulad ng kanina. Naubos na sa halos 18 minutes na habulan. Daymn…

 

 

‘Gago ka ba? Anung wag akong makialam? Ako lang naman ung nyo sanang napatay kung di siya (Lori) nakakabig agad pakaliwa.’ sabi ko.

Bumalik na kami ng sasakyan. Habang ang kalmadong enforcer ay pilit na pinapa-gaan ang sitwasyon ay nagsabing sundan lang daw namin siya at pupunta kami sa office nila.

 

 

Para kaming praning ni Lori. Hindi man namin aminin sa isa’t isa feeling ko, pareho kaming duda sa enforcer na nag-eescort sa amin. Baka kung saang madilim na kalye lang kami dalhin at pag-usapin ng mga mokong na ‘to.

 

 

Pero handa na kami diyan. Dinaan nalang namin sa tawa muna. So sumunod lang kami sa enforcer. May nakasunod na din pala sa aming ibang hagad na naka-wang-wang din. Kse panay ang sabi namin na ‘Sir baka naman takbuhan naman tau nyan’.

 

Tamang duda pa din ako.

Di ko maiwasang hindi magtiwala.

Nagkalat pa naman talaga ang mga buwaya kahit gabi na sa kalsada. 😦

 

 

Pero pinili ko munang magtiwala. Ayoko nang makipag-habulan ulet ng ganun.

 

…to be continued.